| home | archive | Themes |
Keep Music Player Playing?
Yes No
Typical. Madalas na nangyayari pag nagsa-soundtrip ka. Malamang. Yes kung oo. No kung hindi. Halimbawa, may mga bagay kang mas importanteng gagawin. Kaya nalang ng pagpanuod ng Imortal, o paghugas ng mga pinggan na tinoka sa’yo ng nanay mo, o pag kukunin mo yung mga sinampay mo sa labas kapagka biglang umulan. (mawawater damage ang music player mo, hindi mo pepwedeng dalhin. Sorry.)
Natural sa tao na wag pakawalan o wag itigil ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanila.
NAKANAM PUTEK. Kung ganon lang kasimple ‘yon..
Bakit nga ba tayo nahihirapan sa mga ganitong desisyon? Zzz. Ngunit ano nga ba’ng kahalagahan nito sa buhay? Naisip ko lang. Lahat tayo dumating na sa puntong nagtanong tayo, kung dapat pa bang ipagpatuloy ang isang bagay, sa kung anong anyo o uri, kayo na ang bahala. Sa kung ano man ang naging epekto ng bagay na ito sa buhay mo, bahala ka na rin. Sabi nga ng barkada kong si Gumbating: ‘Case-to-Case Basis’ na yan. Depende sa sitwasyon. Depende sa tao. Depende sa preferences, at depende kung sa’yo yung MP3 o cellphone na ginagamit mo. (bahagyang kakornihan ay ipagpatawad n’yo nalang)
Ano nga ba ang mga basehan para malaman mong ang isang bagay ay hindi na karapat-dapat pang ipagpatuloy? Ito ang ilan:
1. Pag hindi ka na nagiging masaya.
2. Pag nagdadalawang-isip ka, kung sobra na.
3. Kapag ayaw mo talaga ‘yung kantang nagpe-play. (figurative)
4. Kapag pumasok, dumaan, o kahit humagip na sa isip mong tama na.
5. Kapag strained na ang mga kalamnan mo kakaexercise. (haha)
Sabihin na nating ‘Oo.’ ang sagot mo sa mga batayang ito. Malamang sa hindi eh itigil mo na yan.
PERO IBA PAG SA PUSO.
Minsan (minsan kadalasan, o kadalasan minsan), kahit na nakakapagod na, hindi mo pa rin makuhang bumitaw. Kahit na ang bagay nalang na pumipigil sa’yo ay ang mga ala-ala, ang mga salita, kataga, o mga pangakong alam naman ng puso mong matagal nang nasabi’t nalimot na. Hindi mo naman sila masisisi, e.
MAY CHOICE KA PA NAMAN.
Kaya nga may salitang ‘IPAGLABAN’. :)
Hahahahahaha. Loko. Binasa mo. Wala man. Wala lang akong magawa. Hahaha.
