| home | archive | Themes |
pag inhale ng titilaok na tandang, bumuka ang aking mga mata.
‘TIKTILAOK.’
(period lang hindi exlamation. medyo tinatamad yung tandang. ‘everyday nalang’ daw.)
ika-18 ng pebrero, 2010. ika-4 ng umaga.
showing na ata harry potter bukas?
nag-usal ng maikling dasal. bumangon. malamig. halata. hinugot ng kapatid ko yung buong extension wire sa outlet kung san nakasaksak ang electric fan, LABO.
tinupi ang kumot. binalik sa kama. antok pa’y naglakad na papunta sa dispenser.
‘tut.’
nag-vibrate. ayos pa. kape tayo.
akmang kukunin ko ang aking cellphone nang biglang may nagsalita.
‘kuya. nagspray ako ng baygon. wag ka munang papasok. zzz.’
‘nagsasalita ng tulog. loko. di ako ipis.’
check ulit.
1 New Message
Papa Globe
4:03am
Read Cancel
‘Read’
‘no pain no gain. yan ang motto naming mga bikers. haha. good morning kuya!’
Reply Cancel
‘Reply’
‘wala ka nanamang maistorbo ano? good morning pa.’
(fast forward)
ako’y pumasok na sa school. animo’y mga.. fnckin’ sh*ts ang ingay na aking naririnig.
BUTO. BUTO. PURO NALANG BUTO! MGA BUTO NINDO! (bones)
ang aking naririnig. oo nga pala. may practical exam ngayon sa orthopedic. muscular at skeletal system. well. hindi ako kinabahan. NAG-ARAL AKO KANINA.
*kriiing!
yung ring ng bell ata yun. OKAY. kinakabahan na ako.
tumambay ako ng konti sa classroom. nagpapanggap na magbasa. walang pumapasok sa isip ko.
parang-baklang-may-sugat-sa-paa-na-hirap-na-hirap-maglakad-dahil-diabetic-pala-sya-tapos-kelangan-nya-pang-tumakbo-pero-HINDI-NYA-NGA-KAYA-kasi-nga may-sugat-syang-malaki na dumaan ang oras habang hinihintay ko ang aking pagkakataon upang makuha ang pagsusulit.
‘number your papers 1-60 then 1-100.’
eventually nakapasok na rin ako!
napakatherapeutic.
WALA! WALA! hahahahaha. walang nangyaring maganda! hahahahahaha. mag-aral o hindi, may kopyahan o wala, okay lang. kasi may time pressure. nakita ko nga yung mga blangko ng katabi ko. nakita nyang nakatingin ako.
tinawanan namin.
HAHAHAHA.
‘mas magandang maraming mali sa buhay. kasi mas marami kang tatawanan pag nalampasan mo na.’
Nagmamahal,
jewelfolo :)
