Black and White Tumblr Themes
home archive Themes
makaupo nga.

 

mga bandang alas tres y medya ng hapon nun. medyo may kainitan. natagpuan ko ang sarili kong nakaupo sa isang lecture at reporting series sa humanities. di na rin siguro ako nagulat sa naramdaman ko. MALAGKIT. medyo maingay rin nun. madaming magandang pag-usapan. lumipad ang atensyon ko. kahit alam ko na kung san pupunta, ayos lang. eto mga nakita ko.

si jake nagsusuklay.

si jinky nagbabasa ng libro!

si macky, jose, nicko nag-uusap tungkol sa mga bagay na sila-sila (kami-kami) lang ang nakakaintindi (dota/ragnarok).

sina fifi. pakunwa’y nakikinig. nakatunganga sa harapan. siguro nakatingin sa whiteboard, iniisip kung bakit hindi nae-erase yung drawing ng human heart. (salamat dito, nairaos natin ang exam kanina sa oxygenation), o baka kung bakit nila kailangang sapitin ang aming kinalalagyan ngayon.

si ciao. nakaupo. impatient ang feeling ko dito. gusto na atang lumabas. (p.s. ang sexy mo daw ciao sabi ni babylen. haha.)

ay. sina janice. sina denyse atbp. ASAN NA?! di na nakayanan. lumabas para lumanghap ng sariwang hangin. (medyo may kamalasan. may mga amoy alas sais [binabati ko po si DEE BALBALOSA, RAYMOND ORTICIO, RJET LORILLA, MARC CLAVERON, GREMIL ALEXIS NAZ. andun rin naman kami kanina. kaya may kalagkitan ang nararamdaman. haha.)

at ang mga conchita, at ang piling myembro ng power rangers. sina pen, sina pao. doing what they do best. – tumahimik kahit na halata naming hindi sila natutuwa. haha.

marahan ang mga vibrations na naririnig ko sa aking kanan. may kung anong ‘elementong’ nagsasalita ng mag-isa. ay. si sir pala. kung bakit daw hindi makita yung words sa presentation ng contemporary group. (may kutob akong si mari ang gumawa nun. kasi may babaeng anime. haha.)

lahat ito nangyari sa loob ng 30 segundo.

may isang bagay na nakahuli ng atensyon ko sa susunod na  2 minuto.

simple lang. nakayuko. may binabasa. medyo blank ang expression ng mukha. medyo sami-sami ang pagkakatirada ng buhok. (kitang-kita kasi ang background eh yung liwanag ng araw). nga lang, maganda pa rin.

isa sa mga panahong nagiging reflex ko nalang ang pagngiti. :)

paminsan-minsan syang lumilingon sa likod o sa tabi, kapag may tunog siguro na nakakadistract sa pagbabasa nya. (e.g. pagsigaw ng kung sino kina macky, ANG PAGSIGAW NI MACKY, na hindi ko naman masisisi sa kahit na sinong tao)

paminsang ngumingiti (awww..) sa mga nangyayari at naririnig nya.

awww. :)

mga simpleng bagay na ikatutuwa ko.



Posted 1 year ago